Kuwentong Pilipino sa Tagalog at Ilocano

40 Episodes
Subscribe

By: Norma Hennessy

Story narratives of historical and heroic inspirational figures around the globe in two Philippine language versions: Tagalog and Ilocano.

✂️ Clip this podcast
Romano Kristiyano 4 Konstantino (Augustus)
Romano Kristiyano 4 Konstantino (Augustus) episode artwork
#4
07/25/2025

"Si Emperador Constantius Chlorus, na ama ni Konstantino, ay namatay sa Eboracum (York na sa modernong panahon) habang nasa kampanya silang mag-ama laban sa tribung Pikta (Picts) ng Britanya. Bago nalagutan ng hininga si Emperador Constantius inihayag niya ang kanyang suporta kay Konstantino na siya ang hahalili sa kanya sa kanyang posisyon sa pamunuan. Naghabilin din siya kay Konstantino at ipinasakamay niya dito ang pag-aruga sa kanyang maiiwanang pamilya – mga kapatid ni Konstantino sa ama na noon ay mga musmos pa.

...Maging sa huling sandali noon ng kanyang buhay, naging istratehiko ang isip at pagplano ni...


Romano Kristiyano 3 - Constantius Chlorus
Romano Kristiyano 3 - Constantius Chlorus episode artwork
#3
06/30/2025

"... Sa mga panahon ng kapanganakan ni Konstantino, ang Imperyo Romano ay pinamamahalaan ng lupon ng apat na pamunuan o tetrarkiya. Binubuo ito ng dalawang nakakatandang emperador o augustus at dalawang nakababatang diputado o caesar: ang mga ito ay sina Augustus Diocletian (Gaius Aurelius Valerius Diocletianus), Caesar Maximian, at mga nakababatang diputado’ na sina Galerius at Constantius Chlorus. Si Constantius Chlorus ay ama ni Konstantino. Sa antas ng kapangyarihan ng dalawang diputado, si Constantius Chlorus ay sumusunod noon kay Galerius.

Si Emperador Augustus Diocletian, ang nakakatandang emperador na may hawak ng Asia Minor, Ehipto, Syria at Mesopotamia. Si Ca...


Romano Kristiyano 2 - Konstantino (Intro)
Romano Kristiyano 2 - Konstantino (Intro) episode artwork
#2
06/30/2025

"...Marahil ay naririnig na ninyo ang kanyang pagalang nababanggit. Siya ay bantog sa pangalang Dakilang Konstantino at ang kanyang buong pangalan ay FLAVIUS VALERIUS AURELIUS CONSTANTINUS."

"...Itinuturing siya sa kasaysayan na Dakilang Konstantino - isang nabubukod tanging emperador na nabuhay sa kasaysayan ng sibilisasyong Kanluran.

Hindi masukat ang kahalagahan ng kanyang ginampanan sa kasaysayan ukol sa pagsulong ng panampalatayang Kristiyano-Katoliko. Dahil sa kanyang mga naisagawang pagpupugay sa pananampalatayang ito, naipagpatuloy itong maisusulong ngayon at bukas sa orihinal nitong wagas. Walang kinaibhan ngayon ang Romano Katoliko sa kanyang wagas bilang panampalataya kung...


ROMANO KRISTIYANO 1-Constantinus Ponte Milvio
ROMANO KRISTIYANO  1-Constantinus  Ponte Milvio episode artwork
#1
06/25/2025

Unang Kabanata

May isang tulay na bato sa Ilog ng Tiber sa hilagang bahagi ng Roma sa Italya na tinawag na Ponte Milvio o sa Latin ay Pons Milvius. Sa panahong Imperyo Romano, ang tulay na ito ay mahalaga sa Roma hindi lamang sa pang-ekonomiya kundi gamit ito ng militar sa mga estratehiko nitong operasyon at kampanya. Dito naganap ang tinatawag sa kasaysayan na “Labanan sa Milvia” na nangyari noong ika 312 AD.

Ang tulay na batong ito ay itinayo ni Consul Gaius Claudius Nero noong taon 206 BC noong pinagwagi-an niyang sinupil ang armi ng Carthaginia sa D...


Imperio Romano J Caesar 25 Post Hoc at Pagbalik Sulyap
Imperio Romano J Caesar 25 Post Hoc at Pagbalik Sulyap episode artwork
#25
06/11/2025

POST HOC AT PAGBALIK SULYAP

(PAGKATAPOS NG PANGYAYARI)

Sa nakaraan: Naipaalam kay Gaius Octavianus (Octavian) ang pagkamatay ng kanyang impong na si Julius Caesar at dahil nasa Appolonia siya (modernong Albanya) na nagtatapos ng kanyang pag-aaral sa militar at akademya noong natanggap niya ang balita, siya’y nagpasyang iwanan ang kanyang pag-aaral at nagtungo sa Italya.

“…Samantala, sa tanghalang teatro sa modernong panahon na pinagtampokan ng mga gawa ng manunulat at makatang Ingles na si Shakespeare sa ikalabinlimang siglo, naging bantog ang talumpating iniugnay nito kay Marcus Antonius at Brutus.

Ayon sa mga...


Imperio Romano J Caesar 24 “Eidus Martiae”
Imperio Romano J Caesar 24 “Eidus Martiae” episode artwork
#24
06/07/2025

EIDUS MARTIAE 44 BC

(EIDES OF MARCH)

SALAGIMSIM NA MADILIM SA KALAGITNAAN NG MARSO

(ANG PAGTATAPOS)

Si Caesar ay ginawaran ng Senadong Romano ng sampung taong termino bilang diktador noong Setyembre ng taon 46 BC. Subalit noong dumating ang Pebrero ng taon 44 BC, siya ay hinirang na diktador nang panghabambuhay o dictator perpetuo.

Habang lumawak at lumakas ang kanyang kapangyarihan, naging kapansin-pansin noon sa mga ibang opisyal na Romano na hindi maipapabalik ni Caesar ang Roma sa dati nitong maluwalhating estado bilang isang republika na gaya ng naipangako. Nagdesisyon ang senado...


Imperio Romano-J Caesar 23 (Hippo Ragus-Munda)
Imperio Romano-J Caesar 23 (Hippo Ragus-Munda) episode artwork
#23
06/03/2025

“…Tumangging makipagdigmaan si Gnaeus Pompeius laban sa hukbo ni Caesar sa lantad na kapatagan bilang pagsunod niya sa payo sa kanya ni Labienus kaya napilitang nagpatuloy ng kampanyang digmaan si Caesar sa taglamig.

Sa unang bahagi ng taon KUWARENTA’Y SINGKO BAGO KAPANAHUNAN NG PANGINOON (45 BC), ang partidong panig kay Caesar sa mga mamamayan sa Ategua ay nagmungkahi na isuko na lamang nila ang siyudade kay Caesar subalit noong nalaman ng mga sundalo sa garison ng mga Pompeyano, binitay nila ang mga pinuno ng mga mamamayang Ategua na maka-Caesar. Pagkatapos ng insidenteng ito, nagtangkang lumabas ang garisong Pompey...


Imperio Romano J Caesar 22 (Sa Thapsus, si Cato at si Juba)
Imperio Romano J Caesar 22 (Sa Thapsus, si Cato at si Juba)  episode artwork
#22
05/30/2025

“…Sa ibaba ng kampo ni Scipio ay ang bayan ng Tegea kung saan ay naglagay si Scipio ng kanyang garisondoon na may apat na raang kabayo. Nagkahamunan ang lupon ni Scipio at ang hukbo ni Caesar kung saan maraming mga tauhan sa panig nis Scipio ang nalagas.”

“…Dumating si Caesar sa sadyang lugar at natagpuan niya ang armi ni Scipio na nakapormasyong handa sa digmaan sa unahan ng mga hukay ng mga pagkubli-an. Ang mga elepante ay naipuwesto sa magkabilaang kanan at kaliwang tagiliran. Bahagi ng kanyang hukbong sundalo ay abalang nagtatrabaho na nagpapatibay sa kanilang kampo.

“…Pag...


Imperyo Romano J Caesar 21 (Atrisyon sa Aprika)
Imperyo Romano J Caesar 21 (Atrisyon sa Aprika) episode artwork
#21
05/28/2025

POSCAST 21

Sa nakaraan, sinundan ni Caesar ang mga kaaway niyang Optimates sa Aprika. Pagdating niya doon, nagkaroon ng labanan ng ‘tugisan’ kung saan ang magkabilang panig ay nagtaktikahan.

May mga menor na mga sagupaan habang ang magkabilang kampo ay nagpatuloy na nagpalakas ng kanilang mga hukbo sa iba-ibang pamamaraan. Naging labanan ito ng patibayan na kung saan ang hukbong Optimates na sa mga tiyempong ito ay nakakalamang sa kanilang probisyon, ay pinagsikapan

nilang patagalin ang alitan. Ang kanilang taktika ay unti-unti nilang pawalain ang mga probisyon ni Caesar at walain ang kanyang mga pagk...


Imperio Romano J Caesar 20 (Sa Uzita)
Imperio Romano J Caesar 20 (Sa Uzita) episode artwork
#20
05/24/2025

Podcast 20 ( Sa Uzita)

“….Mula ika a-uno ng Enero, nagdatingan ang karagdagang mga tauhan sa hukbo ni Caesar. Noong ika kuwatro ng Enero, nagkasagupaan ang kampo ni Caesar at ng mga Optimates. Ang puwersang Optimates ay pinamunuan ni Titus Labienus. Sa nangyaring bakbakan, nasugatan ng mapanganib si Heneral Petreius sa kampo ng Optimates. Maraming mga nabawas sa puwersa ni Caesar subalit napabalik niya ang kanyang mga tauhan sa kampo at nakabawi sila. Pagkatapos nito, nagbalikan ang magkabilang panig sa kani-kanilang kampo.

Pinatibay ni Caesar ang kanyang kampo sa Ruspina nang higit na matibay. Dinagdagan niya ang mga...


Imperio Romano J Caesar 19 (Aprika)
Imperio Romano J Caesar 19 (Aprika) episode artwork
#19
05/23/2025

“… Pagkatapos niyang mai-ayos ang pamunuan, sinundan ni Caesar ang lupon ng mga Optimates sa Aprika upang minsanang resolbahin ang oposisyon sa kanyang pamunuan.

Lumapag siya sa Hadrumentum, sa may silangang pampang ng modernong Tunisia sa Aprika….Abalang -abala sa panahong iyon ang grupong Optimates sa kanilang pagpapalaki ng kanilang hukbo at sa kanilang pakikipag-alyado sa mga bayan. Nakuha rin nilang kaalyansa ang hari ng Numidia na si Haring Juba at may malaking hukbo ng mga mandirigmang Numidia.

Sa kabilang panig, dahil nag-aalanganing maniwala ang mga tao sa probinsiyang Aprika na totoong naroon si Caesar nang person...


Imperio Romano J. Caesar 18 (Ruspina)
Imperio Romano J. Caesar 18 (Ruspina)  episode artwork
#18
05/21/2025

“…Mula sa Turkiya, bumalik si Caesar sa Roma upang isaayos ang kanyang otoridad at resolbahin ang mga ibang mga kumplikadong mga problemang pulitika doon. Kabilang sa salimuot na kanyang kailangang tugunan ay ang panganib ng kawalang katatagan na dulot ng patuloy na pag-organisa ng mga kapanig dati ni Pompey na mga Optimates na nagtungo sa Aprika. Ang oposisyong ito ay pinamunuan nina Nakababatang Cato at iba pang mga malalakas na opisyal.

Hinarap ni Caesar ang hamon ng pakikipag-isa sa pamamagitan ng pag-uusap muna upang maseguro ang katatagan ng gobyernong Romano. Ito ang dahilan kung bakit niya sinundan ang...


Imperio Romano - J Caesar 17 (“Veni, Vidi, Vici” )
Imperio Romano - J Caesar  17 (“Veni, Vidi, Vici” )   episode artwork
#17
05/17/2025

Labanan sa Zela

( “Vino, Vidi, Vici”- “Ako’y Dumating, Tumingin, Nanagumpay” )

“…Marahil ay naalimpungatan si Caesar mula sa kanyang mataga-tagal ding pagtigil at indulhensiya sa kaharian ng Ehipto at sa piling ni Cleopatra. Sa kanyang pagtigil doon pagkatapos na umupo sa pamunuan si Cleopatra, siya’y nalibang sa karangyaan, piyesta, maluhong paglayag sa Ilog Nile at ibang wagas ng pagtamasa ng karangyaan ng mga monarkiya.

Sa pag-alis ni Caesar, nag-iwan siya sa Alexandria ng tatlong lehiyon para tumulong sa pamunuan ng Ehipto kung kinakailangan. Inilagay niya si Cleopatra kasama ng kanyang nakababa...


Imperio Romano J Caesar. 16 (Ehipto & Cleopatra)
Imperio Romano J Caesar. 16 (Ehipto & Cleopatra) episode artwork
#16
05/16/2025

“Habang si Caesar ay nasa Alexandria, marami sa mga dating opisyal ni Pompey, na noong nawala na ang kanilang pinuno, sila ay nagpuntahan kay Caesar upang sumuko. Tinanggap ni Caesar sila ng mabuti….

Ang astang ito ni Caesar ay malaki ang kahalagahan at maraming dulot na mga epektong wagas namakakasagot sa kanyang mga pakay na gawin. Ang wagas ng pagkamatay ni Pompey ay nagdulot ng malaking aral at babala sa kanya. Sa sitwasyong nahaharap sa kanya noon sa Ehipto, kailangan niya ang lehiyon na magiging matapat sa kanya at matapat sa pagiging Romano. Ang mga taga...


Imperio Romano J Caesar 15 (Si Pompey)
Imperio Romano J Caesar 15 (Si Pompey) episode artwork
#15
05/13/2025

PART 15 SI POMPEY

(ANG PAGTAKAS NI POMPEY)

Pagkapuwersang pinasok ng mga tao ni Caesar ang mga pandepensang trinsera ng kampo ni Pompey, nagulat ito. Kaagad niyang hinubad ang kanyang kasuotang heneral. Sumakay siya sa kanyang kabayo at parang sibat siyang lumabas sa likurang lagusan ng kampo. Sumunod na nag-takbuhan ang kanyang lehiyon.

Nagtungo siya sa direksiyon ng bayan ng Larisa.

“…Alerto at mailap siyang nag-oobserba habang siya’y malalim na nag-isip. Malalim, na kagaya ng nakasanayan niyang gawin sa laon ng tatlumpu’t apat na taong nasanay siya na siya ang...


Imperio Romano J Caesar 14 (Dyrrhachium & Pharsalus)
Imperio Romano J Caesar 14 (Dyrrhachium & Pharsalus) episode artwork
#14
05/08/2025

PART 14 DYRRHACHIUM AT PHARSALUS

Pagkatapos masugpo ni Caesar lahat ang mga kaanib ni Pompey sa mga lugar na sinugod niya sa Hispania, nagpa-silangan siya para tumawid siya sa Dagat Adriatiko noong Enero ng 48 BC.

Samantala, habang nangangalap ng mga karagdagang hukbo si Pompey, si Caesar ay patawid sa Adriatico subalit siya’y naudlot at naharang siya sa Gresya kasama ang pitong lehiyon ng hukbo. Ang iba sa kanyang armi ay naiwan kay Mark Antony sa Brundisium. Habang naglilikom sila ng mga suplay, tinangka niyang kubkubin at okupahan ang Dyrrachium subalit umurong siya noong na...


Imperio Romano J Caesar 13 (Utica & Bagradas)
Imperio Romano J Caesar 13 (Utica & Bagradas) episode artwork
#13
05/03/2025

MASSALIA AT APRIKA (UTICA AT BAGRADAS)

“Samantala, habang nasa Hispania na abala sa Ilerda si Caesar, ang mga taga Massilia na noon ay kinubkob ng hukbo ni Caesar sa pamumuno nina Gaius Trebonius at Decimus Junius Brutus Albinus ay nagtipon ng kanilang mga sasakyang pangkaragatan sa otoridad ni Domitius.Naglagay siya sa mga ito ng mga mamamana, mandirigmang taga Gaul at mga desperadong Romano na dala niya mula Italia at pinagsilbi niya ang mga ito na mga marino. Namuno si Decimus Brutus ng Kampong Pompey ng mas kakaunting mga bapor subalit ang mga nakasakay doon ay karamihan ay...


Imperio Romano 12 JCaesar (Brundisium,Massalia & Ilerda)
Imperio Romano 12 JCaesar (Brundisium,Massalia & Ilerda) episode artwork
#12
04/30/2025

Part 12 Imperio Romano-Julius Caesar

Labanan sa Brundisium, Massalia at Ilerda

49 BC, Marso BRUNDISIUM

“Noong ika siyam ng Marso (49 BC), nakarating si Caesar sa Brundisium (siyudad ng Brindisi sa pampang ng Calabria sa Karagatang Adriatiko) na ngayon, at nalaman niya na naipadala na ni Pompey ang karamihan ng kanyang armi patawid sa Dagat Adriatiko patungong Epirus sa Gresya. Nakapagpabakwit na rin siya ng maraming mga senador at opisyal na paalis doon at naghihintay siya noon ng sasakyang babalik para silang mga naiwang panghuling sumakay ay tumungo na rin doon. Pinatibay ni...


Imperio Romano-J Caesar 11 (Rubicon)
Imperio Romano-J Caesar 11 (Rubicon) episode artwork
#11
04/26/2025

Sa nakaraan, nasugpo na ni Caesar ang boong katribuhang katutubo sa Malayong Gaul kung saan siya namalagi bilang pro konsul o gobernador ng dalawang termino magmula taong (50BC). Nai-ayos niya na ang otoridad ng Pamunuang Roma doon at siya’y tinatawag na ng senado at pamunuang Roma at pinapabalik na siya bilang pribadong mamamayan. Pinagbibitiw na rin siyang kumandante ng hukbo ng mga lehiyon na kanyang pinalaki sa Gaul. Tinanggihan ang kanyang hiling na pagkandidatuhin siya bilang konsul in absentia dahil kailangang pupunta siya sa Roma bilang pribadong mamamayan kung gusto niyang kumandidato. Alam ni Caesar na manganganib siya na...


Imperio Romano -J Caesar (Uxellodunum)
Imperio Romano -J Caesar (Uxellodunum)  episode artwork
#10
04/25/2025

Part 10 - Uxellodunum

“Si Caesar ay nanatiling abala sa teritoryong Gaul na kanya noong hinati ng tatlong bahagi - Gallia Celtica, Gallia Belgica at Galla Aquitania. Noong dumating ang tagsibol sa taong 51 BC, sumuko na sa mga Romano ang mga katutubong Belgae. Ang pagkawasak ng. tribung ito ay nasa puntong malayo nang mangyari na maghimagsik silang muli.

Subalit mayroon noong dalawang pinuno ng tribu sa Timog-Kanluran ng Gaul – sinaDrappes ng tribung Senones at Lucterius na pinuno ng mga Cadurci na patuloy noong umaalsa at naglalakbay na nanghihimok ng mga taong sumali sa kanya. Si L...


Imperio Romano Julius Caesar 9 (sub episode 7B)
Imperio Romano Julius Caesar 9 (sub episode 7B) episode artwork
#9
04/16/2025

PART 9

IMPERIO ROMANO - JULIUS CAESAR (Sub episode 7B)

Continued: DIGMAAN SA GAUL

Walong taon magmula 58 BC hanggang taon 50 BC isinaganap ni Julius Caesar ang kampanyang panlupig sa mga katutubong tribu sa Gaul. Nasugpo ng pamunuang Romano ang mga katutubong Helvetii sa Arar at sa Bibract (58 BC), ang mga Suebi at mga Aedui SA BULUBUNDUKIN NG VOSGES, mga Nervii sa Sabis (57 BC),ang mga Belgae sa Axona (57BC), ang mga VENETI, Eburones, Aduatuci, Centrones, Grudii, Levaci, Pleumoxii, Geiduni at Carnuti.

Marami ang mga tribu sa Gaul at bawat tribu...


Imperio Romano Julius Caesar 8 (sub episode 7A)
Imperio Romano Julius Caesar 8 (sub episode 7A) episode artwork
#8
04/15/2025

PART 8

(Sub episode 7A)

IMPERIO ROMANO JULIUS CAESAR

DIGMAAN SA CARRHAE

Habang abala si Caesar sa pagresolba ng mga pag-aalsa ng mga tribu sa Gaul noong TAON 53 BC, nagkaroon ng labanan sa pagitan ng mga Romano at ng Imperyo ng Partha o Arsacid na lugar na ngayon ng Iran.

Ang nangyaring digmaan ay naganap sa sinaunang bayan ng CARRHAE, na lugar na ngayon ng Harran sa Turkiya. Ang nananakop na hukbong Romano ay pinamunuan ng kaibigan ni Caesar na si Marcus Licinius Crassus. Ang anak ni Crassus na si...


Imperio Romano Julius Caesar 7
Imperio Romano Julius Caesar 7  episode artwork
#7
04/12/2025

part 7 (Umpisa ng Digmaan sa Gaul )

“Sa nakaraan, naipakilala si Gaius Julius Caesar, isa sa pinakabantog, pinakakatangi-tanging taong nabuhay sa mundo sa sibilisasyong kanluranin; naging dakila sa pagiging pinunong stratehiko sa militar, manlulupig ng teritoryo at pinuno sa pamunuan sa kasaysayan. Isa rin siyang mahusay na manunulat at orador o mananalumpati.”

“…Mabilis ang pag-angat ni Caesar dahil pagkatapos ng kanyang pagiging praetor, noong taon na 59 BC nahirang siyang konsul. Ito na ang posisyon na pinakamataas sa pamahalaang Roma. Noong natapos ang kanyang termino na isang taon, siya’y naatasang gobernador sa teritoryo ng mga Gaul k...


Imperyo Romano Jullius Caesar 6
Imperyo Romano Jullius Caesar 6 episode artwork
#6
04/12/2025

IMPERYO ROMANO – JULIUS CAESAR

PART 6 (Digmaan sa Gaul at sa Britanya)

“Sa nakaraan, nasubaybayan natin si Julius Caesar mula sa kanyang pagkabata at sa mga dumaang mga taon. …”

“…Namatay ang kanyang ama na si Gaius Caesar noong siya’y labing anim na taong gulang lamang. Ang kanyang ina ay galing din sa maharlikang pamilya at siya ang nagpalaki sa kanyang tatlong anak na si Caersar at kanyang dalawang kapatid na babe. Simula’t simula pa, politika na ang pinatunguhan ng kinabukasan ni Julius Caesar….”

Noong nanalong namuno si Sulla pinag-initan siya nito at napilitan si...


Imperio Romano -Julius Caesar Part 5
Imperio Romano -Julius Caesar Part 5 episode artwork
#5
04/09/2025

IMPERYO ROMANO – JULIUS CAESAR

PART 5

59 BC

Sa taong 59 bago Kapanahunan (59 BC) ang Republica Romano ay nagkaroon ng kanyang “rebolusyon,” simula ng panahon ng karahasan at digmaang sibil na siyang mamagbago sa pamahalaan mula sa pagiging republika tungo sa pagiging monarkiya.

Sa pagsama nina Julius Caesar at ni Marcus Calpurnius Bibulus na konsul sa pamunuang Romano ay siyang nagpanimula ng malaking pagpanibago ng kasaysayan ng Republika Roman. Hindi nakayanan ni Bibulus ang makisama sa pamunuan kay Caesar kaya nagbitiw siya sa tungkulin. Kaya sa halip na dalawa ang konsul...


Imperio Romano -Julius Caesar Part 4
Imperio Romano -Julius Caesar Part 4 episode artwork
#4
04/05/2025

Sa taong SAISENTA’Y UNO BAGO KAPANAHUNAN (61 BC) nabaon na si Caesar sa napakalaking pagka-utang dahil sa kanyang labis na kagagastos. Natiyempo namang siya’y nakaangat na noon sa mataas na posisyon at impluwensiya kaya’t napagwagian niyang maatasang mapapunta sa Malayong Espanya para pamahalaan ito.

Nahirang siyang maging gobernador ng Malayong Espanya – sa lugar ngayon ng Andalusia at Portugal.

Noong malaman na paalis siya, umalma ang kanyang mga pinagkautangan sa Roma kaya napilitan si Caesar na nakipag-usap muli kay Crassus, isang mayamang may malaking ambisyon sa pulitika.

Pumayag itong magbigay ng seguridad na pauta...


Imperio Romano - Julius Caesar Part 3
Imperio Romano - Julius Caesar Part 3  episode artwork
#3
04/05/2025

Sa nakaraan, nasubaybayan natin si Julius Caesar mula sa kanyang pagkabata at sa mga dumaang mga tao. Galing siya sa angkang maharlika na matutuntong maiugnay sa mga naunang mga hari sa Roma at maging sa mga diyosa sa mitolohiya na sina Venus at Aeneas. Ipinanganak siya noong taon na ISANG SIGLO BAGO NG KAPANAHUNAn o 100 BC. Namatay ang kanyang ama na si Gaius Caesar noong siya’y labing anim na taong gulang lamang. Ang kanyang ina ay galing din sa maharlikang pamilya. Simula’t simula pa, politika na ang pinatunguhan ng kinabukasan ni Julius Caesar. Inasawa niya si Cornelia na a...


Imperio Romano Julius Caesar PART 2
Imperio Romano Julius Caesar PART 2 episode artwork
#2
03/31/2025

Sa pagbalik ni Caesar sa Roma pagkatapos na namatay si Sulla, siya’y sumuporta sa nananaig na partido ng mga tao. Ang una niyang isinaganap na gawang pampubliko ay isinakdal niya ang gobernador sa makapangyarihang probinsiya ng Masedonya para maalis ito. Dinaanan niya ang lugar ng Masedonya noong nagpunta niya sa Bithynia.

Ang gobernador na ito ay nagngalang Dolabella at malakas siyang kapanaig ng namatay na si Sulla. Sa paglilitis na nangyari, nagsalita si Caesar sa Forum at binatikos niya si Donatella. Sa puwersa at husay ng kanyang pangusap siya’y pinuri ng mga tao at dumagsa ang...


Imperyo Romano - Julius Caesar Part 1
Imperyo Romano - Julius Caesar Part 1 episode artwork
#1
03/28/2025

Sa ating naratibo, ating kilalanin si Julius Caesar. Si Julius Caesar ay isa sa mga pinakamahalagang taong namuno sa kasaysayan ng Sibilisasyong Romano na nagbigay pondasyon sa Sibilisasyong Kanluranin. Ang kanyang ginampanang papel sa sibilisasyong Kanluraning ay nagbigay direksiyon sa Landas na pinagdaanan ng kasaysayan ng Yuropa at malaking bahagi ng Asia Minor.

At ang Sibilisasyong Kanluranin ay siyang balangkas ng estilo ng ating kasalukuyang pamumuhay at sibilisasyon. Makulay ang daigdig ng mga tao noon, kasingkulay ng daigdig na ating ginagalawan ngayon. Ang mga sentimientos ng mga tao noon ay kaparis ng mga sentimientos nating mga taong...


Teruo Nakamura Hold-out na Hapon sa Morotai
Teruo Nakamura Hold-out na Hapon sa Morotai episode artwork
#27
03/25/2024

Teruo Nakamura was the indigenous Formosan Japanese war soldier who survived the war and post war years in the jungle not aware that the war has ended. And when he was found, he would find his status in limbo - presumed dead he was stateless, homeless and would find his family under new identity.

Private Teruo Nakamura (Amis: Attun Palalin), an Amis aborigine from Taiwan and member of the Takasago Volunteers, was discovered by the Indonesian Air Force on Morotai, and surrendered to a search patrol on December 18, 1974. Nakamura, who spoke neither Japanese nor Chinese, was the...


Hiroo Onoda Kilabot na Hapon sa Lubang
Hiroo Onoda Kilabot na Hapon sa Lubang episode artwork
#26
03/21/2024

Pangalawang tenyente ang posisyon ni Hiroo Onoda noong Ikalawang Digmaang pangsandaigdigan. Siya ay nasa posisyong iyan noong nagtapos din ang digmaan. Subalit dahil siya ay nasa kagubatan sa isla ng Lubang sa Occidental Mindoro, hindi niya nalaman ang mga sumunod na mga pangyayari kaugnay sa digmaan maging ang pagtatapos nito.

Bahaging kanluran ng Occidental Mindoro ang kinaroroonan ng islang ito na sakup ng probinsiyang kalapit ng Palawan. Masukal na kagubatan ang interior ng isla ng Lubang at may sukat ang islang ito ng ISANG DAAN AT LABING TATLONG (113) kilometro kuadrado bagaman ang bahagi nito sa baybaying dagat...


Shoichi Yokoi - Pinag-iwanan ng Digmaan
Shoichi Yokoi - Pinag-iwanan ng Digmaan episode artwork
#25
03/05/2024

It was May 9 1945 in Europe people took to once shunned streets to rejoice at the declaration that the war was finally  over. The following year, in the East, the Allies declared victory putting a full end to the biggest man-caused  wastage of human lives in history - World War 2. Opponents surrendered, some of  those ordered to surrender preferred giving up their lives in their own terms.  Others did not know and remained in hiding for a few more months. A few remained in hiding - not believing or knowing that the battle has been declared over. This is a stor...


Sina Charlie Brown at Franz Stigler
Sina Charlie Brown  at Franz Stigler  episode artwork
#24
02/24/2024

This is a story about an incident during World War 2 involving 2 men - each at the service of his country.. Their countries were enemies and they figured in a heroic encounter that had to be kept hidden for years. This is a story of valor and the magnanimity of the human spirit. Listen to the podcast for the full story.

Minsan ang tadhana ay mapagbiro - mapagsubok. Ipapanganak tayo na mayroon nang likas na mga kabahagi natin na ating mamahalin, aarugain, kakasamahin at magmamahal din sa atin. At habang tayo ay lumalaki at lumalawak ang...


Saburo Sakai - Maawaing Pilotong Hapon sa Digmaan
Saburo Sakai - Maawaing Pilotong Hapon sa Digmaan episode artwork
#23
02/18/2024

Kung isipin ang karahasang nangyari sa pagsalakay ng mga Hapon noong panahon ng digmaan sa mga kuta ng Panig ng Alyansa, na wala noong kahanda-handa, mahirap mapaniwalaan na mayroong mga mandirigmang Hapon na maydamdaming pakikiramay o mayroong awa na makatao sa kapwa.

Subalit si Saburo Sakai, na isa sa mga pinakamagaling na pilotong mandirigmang Hapon ay may dakilang kalooban. Masasabi na si Saburo Sakai ay siyang pinakamagiting na Hapon na piloto noong Pangalawang Digmaang Pandaigdigan. Sa laon ng panahon ng digmaan na siya’y nanilbihan sa kanyang bayan, umabot sa animnapu’t apat (64) na mga eroplano ng Alya...


Ang Kasaysayan nina Ruth at Philip Lazowski
Ang Kasaysayan nina Ruth at Philip Lazowski episode artwork
#22
02/01/2024

This next story is about the amazing story of Ruth and Philip; about how they survived the genocide that marked them and how their lives got interwoven with each other from an encounter that determined their fate and future.

Ang susunod na kuwento ay hango sa nailathalang mga kuwentong pag-ibig sa panahon ng holocaust na inilathala ng momentmag.com noong Hunyo ng 2005. Para sa ating podcast, sa season 5, pang 21 na Episode, itong pangalawang bahagi ng kuwento hinggil sa LUHA, PAGDURUSA, PAG-IBIG AT PAG-ASA ay ang kasaysayan nina PHILIP AT RUTH LAZOWSKI.

Isinilang si...


Si Herschel at si Edjya
Si Herschel at si Edjya episode artwork
#21
01/13/2024

This narrative about Herschel and Edjya appeared at momentmag.com in 2005 as one of the stories of love and survival during the holocaust that were published. Added information from other sources were incorporated in this translated episode.

Itong unang bahagi ng kuwento hinggil sa LUHA, PAGDURUSA, PAG-

IBIG AT PAG-ASA ay ang kasaysayan nina HERSCHEL AT. EDJYA.

Noong unang araw ng Setyembre, MIL NUEBE SIYENTOS TRENTA’Y NUEBE (1939), linusob ng mga puwersang Alemanya ang Poland at sa mga sumunod na araw, sunod-sunod ang

pambobombang ginawa ng Alemanya sa lugar. Noong ika DI...


Holocaust - Pangunang Paunawa
Holocaust - Pangunang Paunawa episode artwork
#20
01/11/2024

This is an introduction about the period known as holocaust at which time, some of our succeeding narrative stories of love and survival happened.

“Dito sa susunod na bahagi ng ating podcast sa Kuwentong Pilipino sa Tagalog at Ilocano ay mapapadako tayo sa Isang madilim na sulok sa kasaysayan ng sangkatauhan. Ito ang natagurian sa kasaysayan na PINAL NA SOLUSYON O HOLOCAUST. At ito ay maisasalin sa mga

katagang PAGLIPOL NG LAHI, na tinawag ng mga Nazi sa Alemanya na “Endclosung der Judenfrage” (Final Solution to the Jewish Question) o “Panghuling Solusyon tungkol sa mga Hudyo.”<...


Tungkulin, Dangal, Bayan (Duty, Honor, Country)
Tungkulin, Dangal, Bayan (Duty, Honor, Country)  episode artwork
#19
12/08/2023

Tungkulin, Dangal Bayan

(Duty Honor Country)

“On May 12, 1962, General of the Army Douglas MacArthur, age 82, delivered his farewell address to the cadets at the U.S. Military Academy at West Point.

In accepting the school's Sylvanus Thayer Medal for outstanding service to his country, MacArthur organized his speech around the sacred motto of West Point: “Duty, Honor, Country.”

“….Duty, honor, country: Those three hallowed words reverently dictate what you ought to be, what you can be, what you will be. They are your rallying point to build courage when courage seems to fail, t...


Si Heneral Douglas MacArthur
Si Heneral Douglas MacArthur episode artwork
#18
12/05/2023

MacArthur, was one of the few individuals to achieve a five-star rank, notably served in World War I, World War II, and the Korean War. A recipient of the Medal of Honor and 17 other medals, he distinguished himself as a talented, brave, and able military commander.

In World War II, MacArthur commanded allied forces in the Asia Pacific, a role that earned him the prestigious Medal of Honor. But his heroism didn't end with WWII nor was it limited strictly to acts of war.

Although he had been their enemy during World War II, his...


Mandirigmang Gurkha- Naik Bishnu Prasad Shresta
Mandirigmang Gurkha- Naik Bishnu Prasad Shresta episode artwork
#17
11/18/2023

Ito ay hango sa naipahayag na kahanga-hangang salaysay tungkol sa isang sundalong Gurkha sa Internet. Ang pangyayaring ito ay naganap sa bandang Kanluran na bahagi ng Bengal sa India noong ika a-DOS (2)ng Setyembre DALAWAMPUNG SIGLO AT SAMPU (2010).

Katatapos lamang noong magretiro si Naik Bishnu Shresta bilang kasapi ng Pampitong Batalyon ng pang -walong Gurkha sa Riple (7th Battalion 8th Gurkha Rifles) magmula sa armi ng India at siya ay nasa edad ng tatlumpu’t lima (35). Nakasakay siya noon sa tren na Maurya Express biyaheng galing Ranchi na distrito ng Jharkhan sa silangang bahagi ng India. Ang bi...