Kuwentong Pilipino sa Tagalog at Ilocano
Story narratives of historical and heroic inspirational figures around the globe in two Philippine language versions: Tagalog and Ilocano.
Imperio Romano 12 JCaesar (Brundisium,Massalia & Ilerda)

Part 12 Imperio Romano-Julius Caesar
Labanan sa Brundisium, Massalia at Ilerda
49 BC, Marso BRUNDISIUM
“Noong ika siyam ng Marso (49 BC), nakarating si Caesar sa Brundisium (siyudad ng Brindisi sa pampang ng Calabria sa Karagatang Adriatiko) na ngayon, at nalaman niya na naipadala na ni Pompey ang karamihan ng kanyang armi patawid sa Dagat Adriatiko patungong Epirus sa Gresya. Nakapagpabakwit na rin siya ng maraming mga senador at opisyal na paalis doon at naghihintay siya noon ng sasakyang babalik para silang mga naiwang panghuling sumakay ay tumungo na rin doon. Pinatibay ni...
Imperio Romano-J Caesar 11 (Rubicon)

Sa nakaraan, nasugpo na ni Caesar ang boong katribuhang katutubo sa Malayong Gaul kung saan siya namalagi bilang pro konsul o gobernador ng dalawang termino magmula taong (50BC). Nai-ayos niya na ang otoridad ng Pamunuang Roma doon at siya’y tinatawag na ng senado at pamunuang Roma at pinapabalik na siya bilang pribadong mamamayan. Pinagbibitiw na rin siyang kumandante ng hukbo ng mga lehiyon na kanyang pinalaki sa Gaul. Tinanggihan ang kanyang hiling na pagkandidatuhin siya bilang konsul in absentia dahil kailangang pupunta siya sa Roma bilang pribadong mamamayan kung gusto niyang kumandidato. Alam ni Caesar na manganganib siya na...
Imperio Romano -J Caesar (Uxellodunum)

Part 10 - Uxellodunum
“Si Caesar ay nanatiling abala sa teritoryong Gaul na kanya noong hinati ng tatlong bahagi - Gallia Celtica, Gallia Belgica at Galla Aquitania. Noong dumating ang tagsibol sa taong 51 BC, sumuko na sa mga Romano ang mga katutubong Belgae. Ang pagkawasak ng. tribung ito ay nasa puntong malayo nang mangyari na maghimagsik silang muli.
Subalit mayroon noong dalawang pinuno ng tribu sa Timog-Kanluran ng Gaul – sinaDrappes ng tribung Senones at Lucterius na pinuno ng mga Cadurci na patuloy noong umaalsa at naglalakbay na nanghihimok ng mga taong sumali sa kanya. Si L...
Imperio Romano Julius Caesar 9 (sub episode 7B)

PART 9
IMPERIO ROMANO - JULIUS CAESAR (Sub episode 7B)
Continued: DIGMAAN SA GAUL
Walong taon magmula 58 BC hanggang taon 50 BC isinaganap ni Julius Caesar ang kampanyang panlupig sa mga katutubong tribu sa Gaul. Nasugpo ng pamunuang Romano ang mga katutubong Helvetii sa Arar at sa Bibract (58 BC), ang mga Suebi at mga Aedui SA BULUBUNDUKIN NG VOSGES, mga Nervii sa Sabis (57 BC),ang mga Belgae sa Axona (57BC), ang mga VENETI, Eburones, Aduatuci, Centrones, Grudii, Levaci, Pleumoxii, Geiduni at Carnuti.
Marami ang mga tribu sa Gaul at bawat tribu...
Imperio Romano Julius Caesar 8 (sub episode 7A)

PART 8
(Sub episode 7A)
IMPERIO ROMANO JULIUS CAESAR
DIGMAAN SA CARRHAE
Habang abala si Caesar sa pagresolba ng mga pag-aalsa ng mga tribu sa Gaul noong TAON 53 BC, nagkaroon ng labanan sa pagitan ng mga Romano at ng Imperyo ng Partha o Arsacid na lugar na ngayon ng Iran.
Ang nangyaring digmaan ay naganap sa sinaunang bayan ng CARRHAE, na lugar na ngayon ng Harran sa Turkiya. Ang nananakop na hukbong Romano ay pinamunuan ng kaibigan ni Caesar na si Marcus Licinius Crassus. Ang anak ni Crassus na si...
Imperio Romano Julius Caesar 7

part 7 (Umpisa ng Digmaan sa Gaul )
“Sa nakaraan, naipakilala si Gaius Julius Caesar, isa sa pinakabantog, pinakakatangi-tanging taong nabuhay sa mundo sa sibilisasyong kanluranin; naging dakila sa pagiging pinunong stratehiko sa militar, manlulupig ng teritoryo at pinuno sa pamunuan sa kasaysayan. Isa rin siyang mahusay na manunulat at orador o mananalumpati.”
“…Mabilis ang pag-angat ni Caesar dahil pagkatapos ng kanyang pagiging praetor, noong taon na 59 BC nahirang siyang konsul. Ito na ang posisyon na pinakamataas sa pamahalaang Roma. Noong natapos ang kanyang termino na isang taon, siya’y naatasang gobernador sa teritoryo ng mga Gaul k...
Imperyo Romano Jullius Caesar 6

IMPERYO ROMANO – JULIUS CAESAR
PART 6 (Digmaan sa Gaul at sa Britanya)
“Sa nakaraan, nasubaybayan natin si Julius Caesar mula sa kanyang pagkabata at sa mga dumaang mga taon. …”
“…Namatay ang kanyang ama na si Gaius Caesar noong siya’y labing anim na taong gulang lamang. Ang kanyang ina ay galing din sa maharlikang pamilya at siya ang nagpalaki sa kanyang tatlong anak na si Caersar at kanyang dalawang kapatid na babe. Simula’t simula pa, politika na ang pinatunguhan ng kinabukasan ni Julius Caesar….”
Noong nanalong namuno si Sulla pinag-initan siya nito at napilitan si...
Imperio Romano -Julius Caesar Part 5

IMPERYO ROMANO – JULIUS CAESAR
PART 5
59 BC
Sa taong 59 bago Kapanahunan (59 BC) ang Republica Romano ay nagkaroon ng kanyang “rebolusyon,” simula ng panahon ng karahasan at digmaang sibil na siyang mamagbago sa pamahalaan mula sa pagiging republika tungo sa pagiging monarkiya.
Sa pagsama nina Julius Caesar at ni Marcus Calpurnius Bibulus na konsul sa pamunuang Romano ay siyang nagpanimula ng malaking pagpanibago ng kasaysayan ng Republika Roman. Hindi nakayanan ni Bibulus ang makisama sa pamunuan kay Caesar kaya nagbitiw siya sa tungkulin. Kaya sa halip na dalawa ang konsul...
Imperio Romano -Julius Caesar Part 4

Sa taong SAISENTA’Y UNO BAGO KAPANAHUNAN (61 BC) nabaon na si Caesar sa napakalaking pagka-utang dahil sa kanyang labis na kagagastos. Natiyempo namang siya’y nakaangat na noon sa mataas na posisyon at impluwensiya kaya’t napagwagian niyang maatasang mapapunta sa Malayong Espanya para pamahalaan ito.
Nahirang siyang maging gobernador ng Malayong Espanya – sa lugar ngayon ng Andalusia at Portugal.
Noong malaman na paalis siya, umalma ang kanyang mga pinagkautangan sa Roma kaya napilitan si Caesar na nakipag-usap muli kay Crassus, isang mayamang may malaking ambisyon sa pulitika.
Pumayag itong magbigay ng seguridad na pauta...
Imperio Romano - Julius Caesar Part 3

Sa nakaraan, nasubaybayan natin si Julius Caesar mula sa kanyang pagkabata at sa mga dumaang mga tao. Galing siya sa angkang maharlika na matutuntong maiugnay sa mga naunang mga hari sa Roma at maging sa mga diyosa sa mitolohiya na sina Venus at Aeneas. Ipinanganak siya noong taon na ISANG SIGLO BAGO NG KAPANAHUNAn o 100 BC. Namatay ang kanyang ama na si Gaius Caesar noong siya’y labing anim na taong gulang lamang. Ang kanyang ina ay galing din sa maharlikang pamilya. Simula’t simula pa, politika na ang pinatunguhan ng kinabukasan ni Julius Caesar. Inasawa niya si Cornelia na a...